Gaming Communities: Bakit Nga Ba Tayo Pasaway?

May napansin ako sa gaming communities, lalong-lalo na isang taon ko na pag-obserba sa Valorant groups.

May rules nga, pero parang hindi binabasa. Maraming nagpapasaway; nag rerely sila na hindi tumitingin ang mga admins online.

Sa ibang bansa, madalang ang ganyan.  Mismong members na ng community ang magsasabi na huwag magbreak ng rules. May ganyan ba sa atin? Konti lang ang alam ko na talagang tumutulong sa community. Maraming salamat kung sino man kayo – kapag nasa posisyon na ako na magpasalamat ng lubos, ako mismo maglilibre sa inyo ng milktea.

Marami na akong binan na members dito sa group na ito. While meron namang legit na members na totoong nagsosorry, karamihan naman ay walang pakialam. Nice.

Ang problema ay yung mga mahilig magsabi ng “na ban po ako eh di ko alam na bawal kase madaming nag benta ng acc andun padin naman sila sa group” – so alam mo na mali, pero di ka pa rin nag follow?

Di ba nag-agree ka na tutulong ka sa admin o mod na gawing malinis ang community by helping and following the rules? Anong nangyari doon bes?

Tapos eto pa ang matindi…Ignorance of the rules is not an excuse bes, akala ko ba “dura lex sed lex” ang peg ng karamihan?

Ito yata ang hindi alam, nakakalimutan, o talagang ayaw makita ng karamihan sa atin: Kapag pumasok tayo sa isang grupo o komunidad, you are also agreeing to follow the social contract na meron sa grupo o komunidad na yun.

Sa ibang bansa, madalang ang ban, suspension, at mute; kailangan lang usually ay private warning mula sa mod or admin para tumino.

Dito sa atin? Kahit makailang public and private warning ka, talagang gara at full blast ang pagiging pasaway eh.

No wonder na nagiging dictatorial ang pamamahala natin kahit sa totoong buhay eh. We want to be part of a community, but we do not want to pay the dues and responsibilities that are incumbent upon us eh.

Nakakalungkot lang at nakakapagod minsan na kahit ilang beses i-educate at magsabi tayo ng matino, marami pa ring hindi sumusunod.

Yun lang po, have a nice weekend. 🙂

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.