Sexual Harassment and Toxic Filipinos – Online Culture: Statements

Sexual Harassment and Toxic Filipinos
Jett revive me pa more!

Latest issue: Sexual Harassment and Toxic Filipinos – matinding hapunan.

Let’s be honest, I just wanted to spend my weekends writing my nonfiction pieces and catching up with my submission deadlines for literary, gaming, and popular magazines both here in the Philippines and abroad.

Kaso, noong nakita ko ang sandamakmak na posts about sexual harassment, nasindak ako to be honest. We wanted this group to be an open place where people can share their experiences, kaso sumosobra na ang ibang mga tao eh.

Ano ba talaga ang ugali nating mga Pilipino? Hanggang clout chasing, TikTok, mema at memes na lang ba tayo? Wala na ba tayong galang sa mga babae at malasakit sa mga strangers?

Hanggang endless trashtalk na lang ba tayo? Hinde dapat ginagawang normal ang panggagago at panggogoyo sa kapwa, lalo na sa babae bes. Ano ba tayo, tao ba tayo na may pag-iisip o hayop na bobo?

Hanggang #PinoyPride na lang ba tayo? Wala na ba tayong substance mga bes?

Kapag serious issues, CLOUT IS LIFE ANG PEG, bida-bida ang peg. Aminin natin sa sarili natin, guilty tayo pagdating sa ganyan.

May tawag diyan na nakakainsulto sa ingles: VIRTUE SIGNALING.


Kapag serious issues, art appreciation, pag-improve ng kultura natin, pagbasa ng mga libro, pagbasa ng mga sinusulat na sanaysay (personal essay) at pag-reflect sa ating mga ginagawa, parang betlog tayo eh.

Tapos reading comprehension, bokya. Number betlog tayo sa PISA at sa buong ASEAN. YUNG IBA LANTARAN NA DI NAGBABASA NG RULES.

Kahit mali, ginagawa habang nakakalusot. Hinde ba kayo nandidiri sa ganyang kalakaran?

Tapos kapag maka-open ng topic, excuse lang po, grabe maka call out at mag cancel, as if wala tayong ginawang mali sa buhay at lahat tayo santo.

Pag makapagsalita sa comments ng take, parang akala natin ay tayo ang may kapangyarihan sa mundo.


Ako, inaamin ko na may mga pagkakamali ako, pero alam ko kung saan lumugar at kailan tumigil pagdating sa nararamdaman ng ibang tao – asawa ko foreigner na sociologist na PhD student sa UP Diliman.

Ako, natuto ako sa mga strong women sa buhay ko: Sa nanay ko, ate ko, at kaisa-isang jowa ko na naging asawa ko na ngayon. I know that women are the best people to talk about their sphere, pero I learned how to understand these things kasi sinubukan kong makita mula sa mata nila ang pinagdaanan nila.


How about you? Isip bata neon orange balls pa rin ba ang mentality natin?

Pag hindi marunong o baguhan, tulungan, huwag maging toxic at trashtalkan. Huwag maging siraulo na nanghaharass ng babae o ibang tao.

Alam naman natin lahat na nagvevent lang tayo ng frustrations sa real life sa laro. O sige na mangtrashtalk at mangtrip na ng tropa, mangbulabog tayo sa laro gamit ng “multiple tactical crouches” – kahit hindi tama, pagbigyan na natin, tutal mahilig naman tayo diyan.

Pero bakit natin babastusin ang taong hindi natin kilala? Bakit tayo nangbabastos ng babae? Akala ko ba REQUIRED ang DIGITAL CITIZENSHIP class sa mga school?


Sige ah para tapusin ko na ang usapan about sa Sexual Harassment and Toxic Filipinos, pili pili ako ng verse depende sa paniniwala natin – tutal naman, napakareligious natin di ba?

Eto ang nakasulat sa Bibliya (paki-correct na lang kapag mali po, King James Version pa naman yan):

John 8:7 – So when they continued asking him, he lifted up himself, and said unto them, He that is without sin among you, let him first cast a stone at her.

Matthew 7:3 – And why beholdest thou the mote that is in thy brother’s eye, but considerest not the beam that is in thine own eye?

Romans 14:4 – Who art thou that judgest another man’s servant? to his own master he standeth or falleth. Yea, he shall be holden up: for God is able to make him stand.

O, eto naman para sa mga kapatid natin sa pananampalataya ng Islam, galing po yan sa Quran:

“God does not forbid you from being good to those who have not fought you in the religion or driven you from your homes, or from being just towards them. God loves those who are just.” (Surat al-Mumtahana, 8)

And from among you there should be a party who invite to good and enjoin what is right and forbid the wrong, and these it is that shall be successful. (Surat Ali Imran, 104)

At sa mga Buddhist na kababayan natin diyan:

If we destroy something around us we destroy ourselves. If we cheat another, we cheat ourselves. (Buddha)

O anong ibig sabihin nito? Ang mali ay mali, at hindi dapat natin inaapakan ang karapatan ng iba. Ganun lang kasimple yan.

At dahil diyan, balik na sa paglaro. Tinagalog ko na ah, baka sabihin niyo na di kayo makabasa ng English balls. Sexual Harassment and Toxic Filipinos pa tayo more!


About the Author

Earl Carlo Guevarra, 27 and a proud Zamboangueño, is a teacher of English based in the heart of Manila. When he’s not teaching children the fundamentals of grammar, he writes essays and poems, many of which have been published locally and internationally. He also loves fruit shakes and video games.

Support the author by buying a coffee here or by gifting the GCASH account at 09451163927! Each cent makes the site sustainable!

You can find the page’s Facebook handle here!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.